Tuesday, February 17, 2009

PART 1: abnkkbsnplako... mga kwentong chalk ni lanie! (thanks to my fave book by bob ong)

Muntik na kaong malate. pano ba naman nahihilo ako as in! Nagsimula to when i started to find a way to lose weight & be healthy in a cheaper way...jumping rope! Naaalog ata ang ulo! I woke up at around 4.45am i fell asleep, 5am, 5.15am, 5.30am, 5.45 am hanggang sa ala-sais na at kailangan ko na talagang bumangon! Ang basehan ko kapag late na ako sa scheduled time of departure ko (parang plane di b?!)kapag naabutan ko na ang Mercury Drugs sa min na bukas na at nagpapasok na ng tao at kapag naabutan ko na ang mga bata sa Marulas Puericulture Center aka NFWC na nakapila para pumasok then i remember back when i was a kid in a small barangay called Marulas where i grew up. Eto talaga ung body ng blog ko!

I remember my prep and grdes school days, ung mga teacher ko (more power to them, i still know their names!), that's why i love bob ong's book kc super nakakarelate ako sa experiences nya and here are some of my unforgettable memries of my school days sa NFWC at Marulas Central School (our alma mater. lahat halos ng teachers ko naging teacher ng sister ko.) to add a few:

NURSERY

Mam Meneses ang teacher ko nun. Walking distant from home ang school ko, wala pa ata kaming 20 sa klase! Syempre pa bibo ako at laging bida sa mga presentation. I can still remember nag sayaw kami ng Rico Mambo at nag ala GEisha ako sa UN namin ng mag Ms Japan ako with super Japanese Costume ko pa (as in nagpagka stage mother si Mama at nagpatahi pa kami nun!)

But probably this one really marked my nursery memory --- we were renting near the school along with my titos and titas as in extended family ang laki naman kc nung bahay. Yung compound pababa ng hagdan(mga 20 big steps stair yun)tapos 2 floors ung bahay, may malaking hagdan din. at ang bintana sa kwarto ung pwede kang maupo sa grills (basta sana mapicture out nyo kung may babasa man nito!) I even remember when we first moved into that house from Pangasinan. I was so lonely kc ako lng ang bata tapos lahat ng dolls and toys ko naiwan sa province kaya binibilot ko na lang yung goodmorning face towel na parang malaking turon para maging doll ko. Well so much for that, so eto na-- one day after afternoon nap (required ata to sa maga bata noon na matulog na hapon), I woke up and to my surprise wala ang mama ko at andun lang si Tito Jimmy. Nag panic ako! "Nasan ang mama ko? HUhuhu... iyak! Nasan ang mama ko?" Tumakbo ako pababa ng hagdan, i tried to open the door kaso ang hirap buksan ng lock! Give up ako! Pinatahimik ako ni tito sabi nya umalis lang daw si mama sandali. Tumahimik ako. Hikbi huhuhu... tumingin ako sa bintana, malayo ang tinggin. Bakit ako iniwan ni mama? Nasan sya? I have to find my mom! Ang naglalaro sa mura kong isipan. (Imagine nakdungaw ako sa bintana humihikbi ng bigla may light bulb na sumindi sa gilid sa upper right side ng ulo ko! Ching!) I probably had the most brilliant idea beyond brilliant ideas! I will dropped my towel so that Tito Jimmy will get it, open the door and then i can go out! Tito, nahulog yung sapin ko! Bumaba sya at sumunod naman ako ako pag bukas ng pinto tada! tunakbo ako palabas akyat ng hagdan labas ng gate!!! bwahahahaha tagumpay ang plano!!! Takbo ako para hanapin si mama at tanugin sya, Ina bakit mo ako iniwan?" hihihihi... nasalubong ko si mama nakangiti may dalang cake. nagulat sya sakin! si tito jimmy naman, ngapanic sinundan ako ng wlang tsinelas! Tumatakbong nakapaa! galing pala ng school meeting si mama tapos bumili sya ng cake! tapos ang kwento, yun lang. MAy naalala pa ako, remember i had a story in my blog about that yellow starter book ung may nanay na nagtuturo ng abakada sa anak. Hehehe kabisado namin un sa school kaya akala nila magaling na kaming bumasa!

KINDER

NFWC... laging walking distant lang ang school ko lalo na nung kinder... lumipat na kami dito sa marulas sa bbb. YUng tinirhan namin may labahan, tapos may cermics dun na border pagsumilip ka dun tadaa! clasroom n namin! 3 to 5 pm pasok ko nun, kaya everyday nakikinig si mama sa klase ng umaga tapos tinuturo na nya sa akin kaya ayun super raise my hand at nagpapakabibo ako pag alam ko ang sagot! kaya ata ako nahonor nun!!! hehehe pero marunong naman daw talaga ko sabi nila. tapos kapag uwian na tatawagin ko na yung mama ko... mama sunduin nyo na ako! Lagi akong binibiro ng teachers ko sila Teacher, Fanny, Malou at Lumeng ang lapit-lapit saw ng bahay ko takot na takot ako. I can still remember ung baon ko nun 2pesos lang tapos bibili kami ng champorado or sopas! eh ngayon kendi na lang ata mabibili ng dos. Tapos lagi akong inaaway ni Janis, ung classmate ko. Andun pa din ung school ko, namin ng sister ko... pareho kami graduate under that 3 nurturing teacher of ours kaso wala na sila titser fanny dun... nasa second floor na rin ng building ang classroom kaya di na masisilip ng kapitbahay!

GRADE 1

Panghapon ako nun sa marulas... I can still remember, there was this old school legend , ung Shokoy sa CR. So takot ako, kaming mag CR mag-isa kc may nagpapakita daw na shokoy. AT haller public school ako nun kaya ang CR grabe ang amoy! Come on! Pero maski ganun love na love ko ang MARES and im so proud to be a product of public school sa elementary. ang mga kwento...strict ang teacher ko, si Mam Valencia, pero teacher's pet ako (though di naman ako sipsip mukha lang siguro akong uto-uto na madaling mapasunod! as in upto grade 6 even my sister, teacher's pet kami!) ayun na nga, once napagalitan kami kc we played hide and seek in the newly constructed building sa school syenmpre di pa fully furnished un kaya baka may falling debris pa! Ngalit si mam, As in! Madami kami pinalo nya kami ng patpat sa pwet.sabi sa kin akala nya di ako makulit na mabait ako eh matigas din daw pala ang ulo ko! Patpat-- eto ung manipis na stick na yari sa kawayan that probably almost all public teachers meron nito! Naalala ko pa natusok ako ng patpat ni Robert Yu ung classmate ko. mabalik tayo sa patpat, ang patpat ang ginagamit nilang pampalo sa daliri kapag pinalatag na sa mesa ang kamay mo at madumi at mahaba ito, mapapalo ka ng patpat, Ito rin ang ginagamit nila pampalo sa blackboard sa mesa kapag sinsabi ng teacher na, "Class Quiet!" Lahat sila (mga teacher ko), May patpat! Ang villain naman nung panahon na yun ay si Christina Tolentino, but eventually we became close friends pero may away-bata pa din kami. Sila nila Robert and Tina, sila ay naging classmate hanggang paggraduate ko ng grade six. Mahilig kaming maglaro nun ng langit-lupa-impyerno (marami kcng hagdan or elevated place at puno sa marulas), chinese garter at modified piko (ung flower ung drawing). Pag nasa public school ka uso ang cleaners. everyday bawat row cleaners and assigned kayo to clean the room after class. So one time (at talagang di ko malilimutan ang katangahang ito!) tinapon ko ung basurahan made of that big biscuit tin can ung pacita ba yun? Ung iniuwi sa province pampassalubong. dahil ang kulit namin ng classmate ko naisama kong naitapon ung lata sa tambak ng basura sa school na tamang tama eh sinusunog na nun. sa takot kong mapagalitan at taranta eh kinuha ko ung lata without realizing na naapuyan na pala ito soa yun 1st degree burn ang daliri ko... napuno ng toothpaste ang daliri ko at halos ilang araw kong ininda ang sakit! haay ang engot!

bukas grade 2 to grade six naman

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.